
Noong 2018, isinulong natin ang pagbabago sa pamamagitan ng malawakang pakikinig. Mahigit sa 116,000 na kwento, natutuhan natin kung ano ang pinakamahalaga sa ating kapwa: pagsasama-sama ng pamilya, pakikipagtulungan sa isa't isa, kakayahan na makaahon sa kahirapan, at pag-asa para sa isang mas maunlad na bukas.
Ngayong 2019, hindi natin hahayaang maging pangarap lang ito. Lalabas at kikilos tayo: Dahil naniniwala tayo na ang boto natin ay hindi para sa iilang makapangyarihan na malayo sa atin ang pangarap at karanasan.
Ang boto natin ang tanging lunas na maihalal ang gobyernong bibigyang halaga ang dignidad at kinabukasan ng sarili nating mga pamilya, ang pinakamamahal natin sa buhay.
Para ito sa lahat na naghahangad ng mas magandang kinabukasan tulad nina Romy Macalintal. Gary Alejano. Erin Tañada. Pilo Hilbay. Samira Gutoc. Mar Roxas. Bam Aquino. Chel Diokno. Ang Otso Diretso.
Tara! Sama-sama tayong nakinig at natuto. Panahon na ngayong kumilos para sa Otso Diretso— dahil sa mas maunlad na bukas, boto ng Pilipino ang lunas!